obsession

ok.

day #2 ng migraine boy adventures ni clang.
hindi na ako nagkakaroon madalas ng migraine, madalang na lng — kaya medyo tipong ine-enjoy ko yung feeling na parang me tumitibok sa magkabilang dulo ng aking beloved cranium.

maaga akong nagising kse…

at by lunchtime andun na ako sa mcdonald’s sa boni ay sa guadalupe ay sa boni ay sa guadalupe pala — ayun, medyo lemon tree muna na maraming ketchup miski wala muna si garfield ngayon pero ok lng (get it, catsup, garfield?)– nah feeling ko di nyo gets kse sekreto ito. ay i almost forgot my action start stunt sa tulay ng guadalupe — classic!

anyways…nakakaburat ang mrt.

kanina, andun ako sa boni staiton ng mrt tapos nakapaskil sa mga windows nila: “The train only travels from taft to shaw” — ok, so tipong kaming nakapila dun sa booth nagkakataka kng ano ibig sabihin nun. whe i told the cashier na quezon avenue ako bababa, tapos she punched it in sabi ko sa sarili ko — ah wala naman palang prob, baka luma na yung announcement — malamang, kse wala pong date na nakasulat.

so yun. nakasakay na ako sa train at ang sarap na ng pagakatayo ko dun. tapos bigla kaming pinababa when we got to the shaw station — hanggang dun lng pala talaga yng train. tapos we had to wait for the ONLY TRAIN THAT GOES BACK AND FORTH FROM TAFT TO SM NORTH — ang saya di ba?

when we got there marami nang taong naghihintay. i think two batches na ng pasengers and andun. tapos cge, antay naman kami ng konti. tapos the train that we rode on (the one from boni), 2x na nakabalik, hauling in more people. i swear sa sobrang sikip dun, pag may gumalaw ng kaunti — may mahuhulog sa tracks.

tapos sobrang inip na ako kaya i asked the guard.

ako: manong, matagal pa ba yung train?
manong guard: oo matagal pa yun. sa sm north pa manggaling e.

yun na.
bumaba na ako ng station at sumakay ng bus.

i met up with faw and this new intern (sorry im really bad with names) and we talked about this 30sec tvc (tvc stand for tv commercial kids) and chatted about work n shit.

after that i met up with popoy and we walked around campus kse ang aga namin for band practice — which is a rare phenomenon (me being early).

we went to the college of music first, kse yun yng unang building na may sense na madadaanan from where we met up. ang se-sexy ng dance majors — haha at ngayon ko lng nalaman na ang dance department pala ay under ng college of music — labo! akala ko human kinetics yun dati. owels…

tapos we say this guy na bassist ng makiling ensemble (yes i forgot his name also), and popoy being a bassist also — alam nyo na siguro and nangyari. puro usapang bass! bass dito, bass dun. tipong “uyy pare kita mo na yng tribute na limited edition bass ni jaco pastorius?” at mga “uy pare pumunta ka ba nung bass clinic ni billy shehan? astig noh?”

so yun.

nung nagsawa silang sabihin ang salitang “bass” ng ilang daang ulit, naglakad na kami ulit papuntang AS, andun kse ang tambayan ng up underground music ssociety — e trip naming tumambay dun.

dumaan pala kami ng lagoon, its been a while since i last been there. pero ganun pa din, nawala nga lang yung mga duyan dati pati yng mga itik ahehehe…

pero yun. marmai kaming oras na pinatay sa tambayan, nasoundtrip na namin ang deodato and yng dalawang album ng jamiroquai — emergency on planet earth tsaka yng return of the space cowboy.

tpos jam :D

btw mya gig kme mamaya sa salo sa mother ignacia, malapit sa abs-cbn :D


About this entry