cosmic providence

at heto na nga at nagsimula na.

“Eclipses always come in pairs, so the twin to last month’s eclipse on January 26 will occur as a lunar eclipse (full moon) February 9. This eclipse will highlight a friend or group of friends, a charitable effort, or a community of people rather than a lover or child. There’s a good chance you may be going to a very large, highly beautiful event on this day, or just prior to this eclipse (over the weekend of February 6-7), or within four days that follow February 9″

wow, quoting from the forecast, hehe. pero parang saktong ganon nga talag ang nangyari. surreal, so real.

Natapos ng napakagandang pasimulang pagtatanghal ng organik music sa baguio, kung saan nakadaupang-palad namin ang marami pang mga pangkat ng tao.

Sa malaking grupo na may iba’t-ibang perspektibo at konsepto ng kabuuan na aktibong nagpapalitan ng kwento’t kuru-kuro, naramdaman ang paparating na “ano” at napipintong “pagkamot” ng “kati”.

Nagkaroon ng isang payak na salu-salo sa isang maliit na folk bar sa Baguio. Lalo pang gumanda at nagkaroon ng kabuluhan at matamis na pagtatapos ang buong biyahe sa pamamagitan ng isang rarely-seen performance galing kay joey ayala — na sinundan pa ng biglang pagdating ng kanyang katukayo, joey pepe smith na naghandog ng isang awitin, na sinundan pa ng mga awit ni isagani ybarra.

Natapos ang gabi na may palitan ng iba’t ibang musikero na nagmahagi ng awit tungkol sa payak, tago, at makabuluhan, kalakhang damdamin at pag-unawa.

Sa gitna ng lahat ng ito, umikot at napagtanto ang lahat ng mga pagkakaugnay, at ang mga pagtatagpo ng mga lumang pagkakaibigang ngayon lamang nagkita.

Sa yaman ng mga palitan ng paglalarawan mga konseptong lagpas-isip at lagpas-tao at mga aspirasyon at pangangailangan kailangan matugunan, naramdaman ng lahat at naramdaman ko ang udyok upang kumilos, kailangan nang kumilos.

Ngunit sa likod ng lahat ng ito, may bahagi ng kamuangan ko ang nagtatanong, “ang lahat ba na ito ay dulot ng aming pinagsama-samang mga munting pagtahak at paghahanap, o lahat tayo ay sumusunod lamang sa isang puwersang di natin namamalayan?”

Kung tayo nga ay mga mumunting elemento lamang na sumusunod sa isang mas malawak pang uwi ng paggalaw, ano ngayon ang kalayaan?

EDIT: (para kasing seryoso, kailangan ng humor hehe)

joey ayala: ur in rm 205 of PAGES HALL teacher’s camp. susi with onie 208 Ü
ako: sir, andto na po kami, kasama namin si regiben, bughaw at sina alex baluyut sa rumours
joey ayala: ok, may empoy dito.


About this entry