huling e.bimbo.com

heto na. ilang oras na lang.

parating na naman ang pangalawang birthday party ng lahat, ang up fair ng buong pilipinas, ang grand alumni reunion ng buong tropa, ang advance christmas gift at advance treat mo sa sarili mo dahil magsisipag ka ng todo this year.

sa loob ng walong oras ay masasaksihan mo na naman ang patotoo na tama ka, at may sense lahat ng bagay sa kabila ng lahat ng kaululan ng mundong ginagalawan mo.

maaari mang di ganon kakintab o di ganon katamis ang mga kaganapan na sanhi rin ng mga ibang kaganapan bago ang oras na ito, kukunin mo pa rin at mamatamisin ang lahat na parang iyong-iyo.

pagkatapos nito matapos magpakalunod sa mga sigaw at sa kinang, mahimay mo sana kung ano ba talaga, at bakit.

dahil maraming nakakalimot na kung bakit, at napunta na lamang sa kintab, ngiti at naggagandahang ilaw.

ang dahilan ang dahilan.

so, kitakits mamaya mga chong, at sabay-sabay tayong magsimba :)


About this entry