of owning things and just being there

hello.
plano ko pa sana next time magkwento tungkol sa mga bagay-bagay na napag-isipan ko nitong mga nakaraang araw, pero nagkataong matagal-tagal yung ginagawang conversion ng isang batch ng footages kaya nagkaroon ako ng bakanteng oras.
tapos na nga yung malaking concert nung sabado, at pinalad akong magkaroon ng pagkakataong masaksihan ito mula sa ibang perspektibo.
nung unang nabalitaan ko na all access ako, shempre sobrang tuwa. as in grabe. pero may parte ko pa rin na tipong “teka lang ha, parang gusto ko audience lng talaga ako ah” tulad nung last time.
nung unang beses, andun lng ako, anticipating. walang alam, di alam ang mga mangyayari.
sobrang grabeng nag-enjoy ako non.
kasama ko at katabi ko ang mga mahal na kaibigan at mga kakilalang nun lang muli nakadaupang-palad.
sabay-sabay na sumisigaw, nasosopresa, napapa-wow, napapa-wowee, napapagod sa kakatayo. etc etc etc.
don’t get me wrong, di ako nagrereklamo. sobrang walang kapalit pa rin ang mga bagay na nakita ko bago at pagkatapos ng show, sa likod at gilid at paligid ng stage.
pero, wala lng. parang di na ako nasanay.
miss kong maging part ng recieving end, yung maging isang tagatangkilik.
hindi naman sa nagbubuhat ng kung anong banko o whatever, pero napapaisip lng ako at napapa-realize.
heto sa katayuan ko na pinalad na maging bahagi, katuwang, o makasabayan sa mga mumunti at malalaking bagay sa panahon natin. kulang ang mga salita at kwento upang maipahiwatig at maibahagi ang nag-uumapaw na galak at iba pang mga damdamin, pati ang mga bagong konsepto at bagay na natutunan dahil sa mga bagay na ito.
sobran grabe! napakalaking utang na loob ko sa lahat ng mga kaibigan at mga nakatrabaho ko at napadpad ako at nakarating sa masasayang lugar at naging bahagi ng mga pangarap na nagkatotoo.
kasamang nagpuyat, nagpahasel, nagpaboldyak, nagpaisa, nagpaubaya, nagbigay, naki-hungerstrike, etc etc etc. for the sake of.
for the sake of kung ano man.
pero yun na nga, parang nakakamiss lng yung feeling na sana di mo alam kung papano nila ginawa yon, kung pano naging ganito, pano naging ganyan.
not knowing the backstory.
not seing the draft renders and the rehearsals. not viewing the rough cut and the mock-ups.
seing only the final thing.
iba tin yon, dahil pagdating sa iyo, nakatodo na. yun na yon mismo. walang disclaimer. walang teka lang. walang di pa tapos.
iba rin yung ganon. gusto ko rin non.
nakakamiss lang na ewan. sabagay napakaraming happening at ibang masasayan bagay dyan na nangyayari araw araw, kelangan ko lang spotan mismo. oa ko naman feeling ko big deal ako noh! wala lang, napapaisip lang
anyways balik tayo sa kwento.
nung sabado, dahil kumukuha rin ako ng footage, me mga moments don na nakasilip ako sa lcd screen tapos titignan ko tlaga yung nangyaari sa harap ko.
tamang, whoa. iba to ah.
madalas ko na rin mapansin sa ibang mga okasyon, pero mas marami nung gabing yon.
lahat na lang ng tao may digital camera.
welcome to 2009, indeed.
napapaisip tlaga ako.
ganon na ba talaga yon, na kailangan mo i-record lahat?
para ano?
para may proof tayo na andun tayo? pangpabida ba?
para kanino ba yon? para sa sarili ba natin?
remembrance pa rin ba yon, o iba na?
me nagkwento sa akin dati, tungkol sa konsepto ng memory aids.
tipong parang ano, yung memory mo daw, hindi tlaga nakakalimot. andun lahat ng memorable experiences mo na nakatabi lang.
kaso, medyo kumplikado yung way para matandaan mo yun mga alaala na iyon. para shang complex na timplahan ng maliit na kuryente sa cellular level. ganon ka-pino.
kaya kailangan mo ng mga bagay na makakapagpaalala sa buong katawan mo kung ano yung pakiramdam nung nangyari ang isang event sa buhay mo.
kaya minsan kapag bigla kang napapapunta sa isang memorable na lugar, biglang bubuhos lahat yung mga alaala mo na akala mo nakalimutan mo na. apag may kanta kang napakinggan na may kakabit na special na moment sa buhay mo. biglang anlinaw-linaw ulit.
yang mga resibo sa mga kinain nyo nung date nyo, ticket sa sine, sa concert.
yung yung mga memory aids.
so, ang misyon mo. ipunin mo yung mga trinkets na makakapagdala ulit sa iyo sa laugar na yon, sa panahong iyo.
ganon din ba yon kung me libo libo kang pics na kinukuha each time you go out?
special and memorable pa din ba yon?
ano ba ang special at memorable?
isip, isip.
pero me part ko din na napaisip “teka, baka bagong thing ito”.
baka nga noh?
interactivity.
choose your own memory.
welcome to the connected hi-tech world. lahat tayo bida. lahat tayo cool. lahat ng mga kwento natin importante.
kaya makinig ka sa akin. i can choose my framing, and i can point and click where i want, when i want. plus, i can zoom in, too.
baka ito na yung bagong factor, you can chose how you remember it. DIY preservation of precious moments. 8megapixels and above.
ang saya din!
pero balik ulit tayo dun sa nung pakiramdam ko nung kinukunan ko yung mga nangyayari.
was i too busy framing and thinking of how to present it to someone else, instead of just enjoying every moment of it as it was being presented to me?
About this entry
You’re currently reading “of owning things and just being there,” an entry on Clang’s Blog
- Published:
- 03.11.09 / 2am
- Category:
- life

No comments
Jump to comment form | comments rss [?] | trackback uri [?]