byahe.

may meeting ako sa makati today, para dun sa isang stint sa bora sa holyweek. yes, stint.

2pm meeting.

so, around 11am, umalis na ako ng bahay.

one jeepney ride from our place papuntang dun sa bus stop. may okay na eksena dun sa bus.

pag-akyat ko, sobrang konti na ng upuan, plano ko pa sanang bumaba at maghintay na lamang ng isa pang bus. usually kasi, maluwag pa yung mga buses na galing tagaytay.

pero napag-isip isip ko na din na baka ma-delay pa ako kung mag-i-inarte pa ako, so kinuha ko na lng yung upuan dun sa bandang dulo.

after mga ilang blocks, unti unti pang napuno ng mga pasahero yung bus, tayuan na.

tapos sa may bandang imus, may sumakay na isang matanda. tipong mga 60 years old na yata.
nakatayo sha sa may bandang gitna ng bus.

payatot, naka-salamin at naka-cap na parang galing sa apo nya or anak.

steady naman siyang nakatayo dun sa gitna habang umaandar yung bus, nakadungaw lng sa eksena sa labas ng sasakyan.

tapos nung tinitignan ko sha, naalala ko yuung isang email message na finorward sa akin ng isang kabigan ko, tungkol sa pagtanda.

toink.

ini-imagine ko na yung buhay nya bigla, kung ano yung mga sa tingin ko ay nakikita nya.
me ganon ako e. nakakainis nga minsan e.

kapag tumatanda ka daw, lalo mong mararamdaman na mag-isa ka lang tlaga sa buhay. tamang mga ganyan ganyan…

toink.

anyways, ayun na. gusto ko na tumayo sa upuan ko para kalabitin sha, para i-offer yung upuan ko.

kaso, ang layo ko, tapos grabe ambigat sobra yung dala kong bag.

tapos, andami namang ibang tao dun sa bus na mas malapit sa kanya ah, bakit di na lang sila ang mag-offer ng upuan, di ba?

tamang ganyan ganyan.

so ayun, parang iniiwasan ko na ng tingin.

pero, hindi pa rin.

nung nakatiyempo ako, tumayo ako kinalabit ko sha, tapos inalok ko yung upuan ko, tapos pinuwesto ko na yung bag ko sa sahig para di na sha pwedeng mahiya.

ngumiti si lolo, tapos humindi.

instead, inalok nya yung seat dun sa isang malaking babae na nakatayo din na nasa likuran nya.

tapos ako, medyo shocked, pero tumango at ngumiti na lang din.

tapos sabi sa akin nung matanda, “magaan lang naman ako e :)

ayun, pareho na kaming nakatayo… pareho na ring magaan :)


About this entry