Philippines 2.0

okay, quick post lang because i’m the middle of my last cup of coffee for the morning.

so meron na tayong maraming mga bagay na kailangan ng kaukulang pansin, na kinakailangan ng seryosong kaukulang pansin.

me swine flu na kumakalat ad medyo dumadami lang ha. yung sex scandal ne medyo naman humupa na, dahil na din sa iba pang mga mas nakakahilo pang bagay.

tapos meron tayong unjust taxation ng libro, atsaka yang con ass.

tapos heto, andaming nagsusulputang websites na against sa con ass at merong mga facebook groups na against dun sa taxation ng mga libro.

anong gagawin non?!

manginginig ba sila sa takot dahil meron 10 million na pinoy na members nung group na yon at naka-sign up?

fine, for information and awareness pero we already know the issues. tayo nga yung nasa internet madalas, di ba? mas mabilis pa nga tayo sa news ngayon dahil me twitter na e.

pero parang nalalabuan ako. signing up for those cause-oriented web bases sites don’t really do much, in my opinion ha.

parang meron advocacy, tapos wala ka naman pag meeting — bumili ka lng ng tshirt. what does that do?

parang kwela ka lang kse, syet, “concerned” ako sa mga nangyayari sa paligid ko.

sos.

tumayo ka nga dyan and do something.

third world pa rin ang pilipinas.

karamihan ng mga bagay dito kailangan mo manu-manuhin kung gusto mo ng pagbabago.


About this entry